UPCAT!!! (University of the Philippines College Admission Test!)
*tama ba?.. nde ko cgurado e*
lunod sa panaginip...
ZZZZZZzzzzzzzzZZZZZ.... lumilipad ako... ZZZZZZzzzzZZZz.... katabi ko na ang mga ulap... ZZZzzzZZ... ksabay ko ang mga ibon... ang payapa... (SJ gumising ka nga dyan!) ZZZzz!! HA? ano? nsan ba ako??!! (SJ, hindi mo pa natatapos ung test mo!!) teka? cno un? cno kumakausap sakin? (SSSSJJJJJJJJ!!!!) aun... hala... WAAAHHHH!!! babagsak na ako sa langit!!
balik sa realidad...
and2 pa pala ako sa isang building sa UP diliman... nde ko pa tapos ang aking pagsusulit.. sabay tingin ako sa whiteboard kung ilang minuto na lang ang nalalabi bago matapos ang aking eksaminasyon... HOLY SMOKES!!!! 5 minutes na lang!! lintyak na buhay yan! meron pa akong sampung items na nde nasasagutan... tapos babasahin ko pa itong mga napakahabang kwnto... mga 7 paragraph ung bawat istorya, tapos mga 3 lang ung tanong... mababaliw na ako!!
kailangan dumiskarte...
kain muna ako ng aking dalang tsokolate... sus!! sabay hinga ng malalim... isip esdyey!! isip esdyey!! sabay tingin ako sa kaliwa ko... kita ko si charles caluya(kaibigan ko yan!!!), patapos na si charles sa kanyang test! tingin naman ako sa kanan ko.. isang babae *naalala ko na ang babaeng yan ay galing sa Phi Sci High School.... nakita ko habang pinupunan namin ng mga info ung bingay na papel sa amin! magyayabang pa sana ako na galing ako sa kisay!*
desisyon at opsyon...
iisipin ko ang mga option ko... hmmm.... meron lang naman akong tatlong pagpipilian...
una: magkakaroon ako ng paninindigan sa sarili at babasahin ko pa dn ang mga istorya sa test.. at sasagot ako hanggang sa makakaya ko.... kahit nde ko na matapos!!! (parang bang bayani ang dating)
pangalawa: SUSUKO NA AKO!!! ititigil ko na ang test na to!! kalokohan!!! pupunitin ko ang aking answer sheet!! tapos... sisigaw ako... tapos mumurahin ko ung mga tao sa loob ng room!! tatawanan ko pa sila, para nde na dn nila matapos ung test!!! NYAHAHAHA!!! (kumbaga mawawalan na ako ng pag asa... at magpapaka bading na lang ako... tapos ma o-OT... at iiyak sa isang tabi.. isusuko ko na ang pangarap kong pumasa sa pinapangarap kong eskuwelahan sa kolehiyo)
pangatlo: gagawa ako ng paraan... kokopya na ln ako sa katabi ko.. pero cno sa kanilang dalawa? kokopya ako kay charles, na matagal ko ng kaibigan, pinagkakatiwalaan at kakilala? o kokopya ako kay "babaeng PhiSci!" na nde ko naman kilala pero mukang matalino kc naka salamin pa xa e?
ano na?! ano na?!
auko ko naman.. basahin ang lahat ng kwnto.. wala ng mangyayari sakin nun.. baka abutin pa ako ng sampung taon at "super afro" na ung buhok ko, e nde ko pa natatapos ung sang katutak na babasahin... ayaw ko din naman magwala sa room at murahin ung mga tao... ano ako SIRA??!!! baka makulong pa ako... o kaya batuhin ako ng sapatos o ng chewing gum nila na 4 na oras ng nilang ningunguya!! sabi ko sa sarili ko... kokopya na lang ako... pero kanino?? kay charles o kay "babaeng PhiSci" ??? hmmm... sorii na lang charles.. matagal na kitang kilala e, kilalang kilala na kita.. saka isa pa.. muka talgang matalino ung babae e....
balik sa panaginip...
tingin kagad sa papel ng babae... hmmm... ayos!!! nde nya tinatakpan ung mga sagot nya... madadalian ako sa pag kopya.. ayan... cge... kopya kopya!! kopya SJ!! wag ka lang magpapahalata sigfred!!! matatapos mo na dn... tatlong items na lang ang kokopyahin mo.. konting tiis na lang.... sabay!!! JUMPING JUPITER!!! hala!! no!!!! sabi nung parang nagbabantay samin.. ipasa na daw ung papel.. HALA!!! ung kinokopyahan ko... agad nyang inaayos ung papel nya.. nde ko na makita ung mga sagot nya.. may tatlo pang items... hmmm.... di bali na... sabi ko na nga bang tama ang kasabihan na, "ang nde marunong lumingon sa pinanggalingan ay nde makararating pa paroroonan!" ... balik na lang ako at gagamitin ko ang teknik na natutunan ko sa kisay!!! hmmm... SHOTGUNNNNNN!!!! hehehehehe!!! sus... game!! hula hula hula!! A? B? C? D? E? ... o ano na?? ocge letter C na lang.. tapos A.. saka B... sus di bali na... tatak Quezon City Science High School yata ako... bahala na!!!! hehehehe... SHOTGUNNNNNNNNNN!!!!! =)
*** pag sapit ng buwan ng pebrero... aun.. nalaman ko na nakapasa pala ako sa UP!!! sus... naka tsamba man o nde.. nandaya man ako o nag aral talga... nararapat ba ako o saling pusa lang... sus!! e ano ngaun.. UP ako... hehehehe!!!
---> bigay na nyo lahat ng makakaya nyo para sa UPCAT.. lahat ng mga natutunan nyo.. mga diskarte nyo... hmmm... misan lang kasi yan.. wala ng rewind, restart o play again... wag nyo na paglagpasin ung pagkakataon... maging maingat sa pagpili ng daan... dyan nag sisimula ang lahat.. kaya nyo yan!! hehehe... (parang kung cno na akong magaling e noh... tsmba ln naman sa UP.. hehehe!!)
Go KISAY!!! Go XENTIANS!!! =)