ika'y humimlay na
sa iyong kama...
diba bukas, may review ka pa?
at ako'y kailangan na
din, magpahinga...
nilalagnat lagnat pa!
ngunit, bago ako umidlip
at lunurin ng panaginip
ako'y gagawa muna
ng isang lathala...
sa iyong unan, iiwan ko...
ito ang aking tula!
sa iyong tenga, ibubulong ko...
ito ang aking mga salita!
iyo sanang maunawaan...
huwag mo namang hulaan... =)
.............
.
........
.
............
...........
.........
....................
.
ano?! ano?!
naintindihan mo ba?! =P
ngayong natutulog ka,
nakangiti ka pa ba?
gusto ko lang sabihin,
ika'y nagpapasaya sakin...
- 3912 -