
......
sa pagpikit ng iyong mga mata,
at pagtulo ng aking luha.
sa paglayo na iyong boses,
at pagpaalam ng aking tawa.
sa paghinto ng iyong pagdampi,
at pagkawala sa'kin ng kalinga.
sa iyong sandaling paglisan,
at sa'king lang kwentang kalungkutan.
sa pagtulog mo,
at sa pananaginip ko.
sana sa iyong pagbagon,
at sa paggising ko.
ako'y iyong makita,
at patuloy na maalala.
sapagkat sa bawat pagpaalam at pagtulog mo,
kinabukasan asahan mong... naghihintay ako...
-takip-silim-