kung ipapaliwanag ko kung gano ka kaganda,
baka mapaos ln ako sa kakasalita...
kung ipipinta ko kung gano ka kaganda,
baka maubos ln, water kolor kong dala...
kung iguguhit ko kung gano ka kaganda,
baka mapudpod ln ang lapis ko, sa kakatasa...
kung i-uukit ko kung gano ka kaganda,
baka mawirduhan ka ln sa iskultura kong gawa...
kung gagawan ko ng kanta, kung gano ka kaganda,
baka mabingi't mahilo ka lang, sa pag unawa...
kung gusto mong malaman kung gano ka kaganda,
ay di bali na ngang wag na...
sapagkat merong mga bagay na hindi:
napapaliwanag, naipipinta, naiguguhit, na-iuukit
o nakakanta...
gano ka kaganda?!
tumingin ka sa aking mga mata,
sana'y iyong makita...
hawakan mo ang aking dibdib,
ang puso ko'y iyo sanang makuha...
maintindihan mo sana't madama...
na sa buong mundo...
ikaw...
ang pinakamaganda! =)
-esdyey-